Happy Valentines Day Asawa Ko

by Arby (Phillipines)

Heart and Arrow Separator

Hi hon hon ko 😘 una sa lahat, pasensya kung eto lang pa valentines ko sayo, alam mo naman kung ano kalagayan ko ngayon at mismong ako eh dismayado dahil marami akong gustong gawin para mabigyan ka ng pa valentines ❤

Happy Valentines Day asawa ko ❤ masayang masaya ako dahil hindi man tayo magkasama eh eto yung unang valentines natin na mag-asawa na tayo ❤ kung andito ka lang sa tabi ko at kasama ko malamang nasa mall tayo nagfoofoodtrip o kaya naman manunuod sine o kaya naman kung anong matripan, basta kasama ka okay na ako dun 😂 sana next time eh magkasama na tayong magcecelebrate ng valentines day hon hon, hindi lang sana valentines day, sana lahat ng special occasion or events eh magkasama na tayo ❤

About naman sa mga plano natin, humihingi parin ako ng pasensya hon at nadedelay ng nadedelay ang pagasikaso ko gawa nga ng aking kalagayan, hayaan mo hon natuto na ako at mas uunahin ko na mga importanteng priorities na kasama sa plano natin para makabawi ako ng oras at panahon na nasasayang hon. naway hindi ka magsawang magantay at mapakod sa lahat ng oras hon.

Ayun hon, parati naman akong nagpapasalamat sayo dahil thankful naman talaga ako sayo hon, sa susunod hon magkasama na tayo ❤ kunting tiis lang hon, kaya natin toh ❤🙏 magpray lang tayo palagi at magpasalamat sa mga blessings na binibigay satin ni Lord 🙏

Again hon, Happy Valentines Day ❤ sana maappreciate mo tong simpleng sulat ko na parati ko naman sinasabi sayo ❤ sana di ka din magsawa hon hon ko 😘 See youu sooooonest ❤

I miss you and I love you always hon hon 😘

Ingat palagi hon and Godbless 🙏❤😘

Check out other long distance love letters written by lovers who are feeling worlds apart.